Pamilya talaga ang turing ko sa kanila. Dahil SILA ung mga taong malalapitan mo talaga pag kailangan mo. Sila yung mga taong hindi ka iiwanan, ung mga taong alam ang ginagawa nila kahit parang hindi na. Sila yung mga taong NAPAMAHAL sa akin at alam kong MINAHAL din ako. Sila ung mga taong MASAYA kasama, kahit walang pera masaya padin. Sila ung nagturo sa akin ng kahalagahan ng samahan. Mga kaibigan mahal ko kayo. Hindi ko nasabi 'to noon sana alam nyo un.
Mas maiintindihan mo kami kung maging parte ka namin. Maiintindihan mo ang totoong kahulugan ng pagsasamahan kung kilala mo kami. Pwede naman na maging parte ka namin, basta marunong ka lang MAKISAMA dahil un ang mahalaga. Pero wag mo kaming PAPLASTIKIN dahil yun ang ayaw namin. Kahit hindi ka namin kaklase o ka-batch welcome ka, kahit sino ka pa man, welcome ka sa PAMILYA NG IV-LOVE. Sya nga parte namin eh, kaya kilala na nya kami. Kaya ikaw pwede din.
Labels: malungkot, masaya, nagmamahal